fprmfi.com

Ang Mga Sigaw Na Bulong​

ni: Rochel Gaffud

Ang mga Sigaw na Bulong

(Rochel Gaffud – Year 2020)

Sumisigaw ka ba?
Bumubulong ka ba?

Narito tayo sa mundo na puno ng pagbabago.
Pagbabagong nagpapa angat sa bawat isa at pagbabagong di hamak na nagtutulak pababa.
Marami tayong kinahaharap na pagsubok at hindi maikakailang higit na humirap ang buhay.
Nariyan ang Covid-19 na patuloy ang pagkalat, mga krimen na hindi mawala-wala, at mga isyung hindi pa nareresolba.
Ngayon, iisa ang sigaw ng mundo, ang HUSTISYA (JUSTICE). Dinig na nga ba ng lahat ito?

Kakayanin pa kaya kung ito ay simpleng bulong para sa mga nasa termino?

Ayon sa isang pahayag ni DepEd Secretary, Leonor Briones, maaring ituloy ang face-to-face ngayong taon dahil may naihandang kondisyon at paraan ang kagawaran at ibang ahensiya sa pagpapaigting ng seguridad ng bawat estudyante. Sa kabilang dako naman, malinaw na inihayag ni Pangulong Duterte kamakailan lang na ikansela muli ang face-to-face sa banta ng pandemya lalo na at wala pang supply ng bakuna ang ating bansa.

Hindi lang yan, mayroon ding mga kalamidad ang bumulabog sa mga tao, at mga krimen na kontrobersiyal ngayon dahil sa mga nakitil na buhay at hanggang ngayon, patuloy paring napababayaan.

Ang ibang nasa puwesto, sobrang bilis pagdating sa pera at sariling bulsa. Pilit nag-aaway sa mga yamang nais nilang mapa sa kanila. Nakakalungkot isipin na ang mga sigaw na naghahangad ng hustisya ang siya pang binabalewala, tila ba bulong na di agad mawari ang hatid na menshahe para sa mga tinitingala.

Kung mayroon mang dapat bigyan ng pansin, ito ang mga taong may busilak na puso (pure hearted). Ang hiling na sana balang-araw matupad, pagbabagong magpapa angat at magdadala ng hustisya hindi lamang sa mga may pera o may kaya.

Sabay-sabay sanang pakinggan ang mga paki-usap na minsang binalewala. Kung magiging maganda ang sistema ng hustisya, paniguradong pag-unlad ang makikita.

“This literary piece is an idiomatic and metaphorical expression in the Filipino community where “speaking up” is not necessarily the norm (colonial mentality); however, today’s Filipino generation are more vocal. This piece conveys the subtle message that carries a huge impact, perhaps more so than what is said out loud. It conveys the idea that sometimes, words whispered privately can be more powerful or revealing than those shouted publicly.  – Rochel Gaffud, FPRMFI college scholar

About the Author:

Is a Bachelor of Arts in Political Science student at Saint Mary’s University and a scholar of FPRMFI. She was a member of The Herald, the official student publication of Maddela Comprehensive High School, for four years and is currently active in the Saint Mary’s University Debate Society and serving as the 1st Year Political Science Representative for the Marian Allied in Philosophy and Social Sciences. A firm believer that “Writing is the art of giving silence a voice, and change a chance.” She advocates that every voice matters —each equally deserving of space, value, and freedom.