Unang Dighay!
ni: Beverlyn Ulo
Unang Dighay!
Araw ng ako’y tulala
Na tila ako ay balisa,
Hiling na oras muna’y huminto
Subukang lasapin bawat Segundo.
Ilaw araw nagsakripisyo
Hindi pinalampas maging isang minuto,
Ang aking ina at ama sa pagtratrabaho
Para lamang ako ay may pamasahe papuntang kolehiyo.
Araw ng aking paglisan
Mabigat man sa pakiramdam,
Sa bawat tiklop ng damit, ang mata’y luhaan
Na animo’y puso’y sugatan.
Araw ng aking paglisan
Mga naghihigpitang mga yakap,
Mga halik na di nagkakaubusan
Mga payong baon para sa kinabukasan.
Lakbay tungo sa Vizcaya
Kasama ang kanilang ala-ala,
Mga mukhang sa isip nakapinta
Na may hatid na galak at saya.
Unang araw sa eskwela
Ako pa rin ay tulala,
Naghahanap ng kalinga
At nang makakasama.
Kamusta doon, kamusta diyan?
Usapang pilit may hangganan
Tadhana’y di kayang pahintulutan,
Mga usapang nais huwag na muna sanang wakasan.
Mahirap sa una
Walang panlaban sa matrikula,
Napag desisyunang ihinto na
Pero lakas loob na pinaglaban pa.
Sabi ng ama’t ina
Tama na, hinto na,
Maaring asa daan pa lang sila
Baka nagsipantay na ang aking mga paa.
Sagot ko’y, susugal ako
Tataya ako,
Bubuwis ko buhay ko
Lalabanan ko ito!
Aking katawan di maunawaan
Konting trabaho, pagod agad
Nasobrahan sapag aaral, stress agad
Pag pagod, collapsed agad.
Kaya’t huling bilin nila
Manalig ka! (Have Faith)
Makilakad ka sa Kanya
Tiyak, hindi ka mawawalan ng pag-asa.
Buwan ng Setyembre
Ako ay nasa eskwela,
Isang mensaheng naipadala
Ipadala ko daw mga mahahalagang impormasyong nakatala.
Isa sa aking mga naging guro
Ako ay napaisip, ano kaya ito?
May kasalanan ba ako?
Nagugulumihanan ako.
Pagkauwi ako ay aligaga
Bakit kaya si maestra,
May kailangan ba sya?
O isa itong grasya (grace/blessing)?
Isang scholarship
Pansagot sa matrikula,
Isang samahan na ipinadala
Upang magbatid ng pag-asa at biyaya.
Salamat po Ma’am Mel
Ikaw ang naging tulay,
Para magpatuloy sa buhay
At para makaabot sa tagumpay.
Salamat Sir Reynor
Sa mga walang sawang paalala at pagpapayo,
Hayaang maging aking baon
Asan man naroroon.
Salamat Ma’am Lorvin
Lagi ka isip at damdamin,
Salamat sa mensaheng hi!
Ikaw pala’y maging magandang hatid na buhay.
Salamat Sir Nelz
Ama naming lahat,
Tumayong haligi maging ilaw
Haligi na ikaw ang nagtatag ng pundasyon
At ilaw na nagbigay buhay sa madilim naming buhay!
Ito pa lang ang unang dighay
Alam ko pang marami pang pagsubok sa buhay,
Sa unang kolehiyong talagang nakakapatay
Anupa’t sa huli, ako ay muling didighay
Dihay para sa aking tagumpay.
Salamat sa Foundation
Binigyan nyo ako ng introduction
Hayaan nyo, bibigyan ko kayo ng matinding conclusion
Suot ang toga dala ang diploma sa araw ng aking Graduation!
Siyak ni Beverlyn Ulo
Ang dapat niyong isa-ULO
Ta isu ti mangda-ULO
Ti kasaysayaatan ken ti kinapudno!
Beverlyn Vallejo Ulo
About the Author:
Cum Laude graduate of Nueva Vizcaya State University – Bayombong Campus, where she earned her Bachelor of Secondary Education, majoring in Social Studies. From elementary through high school, she consistently graduated with honors, a testament to her dedication to learning and excellence.
Currently, she is a teacher at Maddela Marvelous Grace Christian School, serving as both an educator and the Supreme Student Learner Government Adviser. In this role, she guides students to become responsible and value-driven leaders. Beyond the classroom, she serves her community as the 1st SK Councilor in her barangay and as the President of the Youth Department of the Philippine Bethel Church.
Above all her roles and achievements, Beverlyn takes pride in being a child of God, believing that her purpose is to serve others with humility, faith, and love.